News

Pampanitikan Hiraya Para Perlas ng Silangan

AUG 29

Pampanitikan Hiraya Para Perlas ng Silangan

Bansang Pilipinas na ating tinatangi,

bakit ba ito patuloy na itinatanggi?

tayo ay mulat sa mga nangyayari,

hindi ba dapat itong ipagmalaki?

Sa nagdaang panahon na naging alipunya,

ang ating bansa ay naging malaya,

ang mga indiyong ninuno ay naghirap,

dugo't pawis ang inalay para sa magandang hinaharap.

Bayang sinisinta na punong puno ng pag-asa,

likas na mayaman sa tanawin na kay ganda,

kakaibang talino, tanyag sa buong mundo,

ito ay natatanging yaman nating mga Pilipino.

Patuloy nating sintahin,

ang bansang sinilangan natin,

atin itong sikaping paunlarin,

at tiwala't pagkakaisa ay gawin.

???????????????? | ???????????????????????? ????????????????????????????

???????????????????????????? | ???????????????? ????????????????

#SaldangPublication

#IlluminatingTheTruth