News

Tanglaw ng Nasyon

AUG 20

Tanglaw ng Nasyon

Sa tuwing sumasapit na ang buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang na ng bawat Pilipino ang naging daan nila sa pakikipag-komunikasyon, ito ay ang wikang Filipino na s'yang nagsilbing tanglaw para malaya nilang mailahad ang kanilang mga ideya, damdamin, at saloobin. Gayunpaman, ang buwan ng Agosto ay panahon rin upang mag-balik tanaw sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Hindi lang naman sa pangaraw-araw na pakikipag-usap nagagamit ang wika, sa katunayan ay nagsilbi itong instrumento ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal sa pagsusulat ng kaniyang nobela na naging dahilan upang mamulat ang mga Pilipino at tuluyang makawala sa pananakop ng mga Espanyol.

Tunay ngang ang wika ay mapagpalaya, sapagkat isa ito sa mga naging tulay upang tuluyang mapalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop na Espanyol. Ganiyan kahalaga ang wika, hindi mo maipapahayag ang iyong layunin kung hindi mo ito pahahalagahan at higit sa lahat ay kung hindi mo ito gagamitin. Mula sa pagiging tanglaw ng pakikipag-komunikasyon hanggang sa pagiging instrumento upang mapabuti ang sanlibutan ay iilan lamang 'yan sa mga kakayahan nito. Ating mahalin at ipagdiwang ang wika, sapagkat higit pa sa lahat ang mga natulungan at naitulong nito sa buong sanlibutan. Kaya naman, ngayong buwan ng Agosto, ating balikan ang kasaysayan ng ating bansa na syang humubog sa bayan na kumukupkop sa bawat Pilipino sa kasalukuyan.

???????????????????????????? | ???????????????????? ???????????????????????? ????????????????????????????????

???????????????????????? | ???????????????? ???????????????? ???????? ???????????????????????? ????????????????????????????????

#BuwanNgWika2024

#IlluminatingTheTruth