News
Pampinid na Selebrasyon ng Buwan ng Wika sa CCSTAI
SEP 13

Pampinid na Selebrasyon ng Buwan ng Wika sa CCSTAI
Noong ika-6 ng Setyembre, 2024, matagumpay na ginanap ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Catholic Central School of Tabaco Albay Inc.
Lahat ng miyembro ng CCSTAI, mula sa director at punong guro ng paaralan, mga madre, mag-aaral, kawani, at maging mga magulang ay aktibong nakiisa sa makulay na pagdiriwang na nagbigay pugay sa ating wikang pambansa at kultura.
Ang selebrasyon ay puno ng mga masining na pagtatanghal, tradisyonal na sayaw, awit, tigsik, pagganap bilang tauhan sa mga libro o akda, tagisan ng talino, piging, laro ng lahi at iba pang mga aktibidad na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagpapayabong ng ating wika at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Ang buong komunidad ng CCSTAI ay nagpakita ng pagmamalaki sa ating kultura at patuloy na magpapalaganap ng pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Pasalamatan natin ang SAMAFIL modereytor na si G. Kent Brusola at ang kanyang mga miyembro na nagsikap upang maisakatuparan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Isama rin natin ang mga guro sa Filipino, ang mga modereytor, at mga miyembro ng Performing Arts Club (Music and Glee Club - Elmer B. Bongon, Dance Club – Francis Bustante, Young Artist Club – Ivan Malaga), mga magulang, pati na rin ang mga guro at kawani na bumubuo ng komunidad ng CCSTAI na pinamumunuan ni Rev. Fr. Augusto O. Abril.
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang na ito!
Debbie Rae Barcebal, Austin Jake Buquid, Trisha Margarette Barcenas, Aries Jude Porilano