News

Buwan ng Wika Culminating Activity

AUG 31

Buwan ng Wika  Culminating Activity

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!

Miyerkules, Agosto 31,2022 ng ipinagdiwang ng CCS ang Buwan ng Wika na may temang, “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”.

Dito nasaksihan ang iba't-ibang pagtatanghal na kinagiliwan ng mga mag-aaral ng CCS. Sila ay nabigyan ng pagkakataon na maibahagi ang iba't ibang talento na taglay nila lalong-lalo na sa larangan ng pagsasayaw, pag-awit, at pag babasa.

At dahil sa makabuluhang pagtatanghal na kanilang ibinahagi, taos pusong pasasalamat ang nais na iparating sa mga ginagalangang guro, naggagalingang mga estudyante at ang walang kapantay na pagsuporta ng mga magulang na nakibahagi sa palatuntunang naganap.

Bigyan pansin rin ang mga naging punong abala, tagapag-salita, at ang mga naging tagapaghatol sa mga patimpalak na naganap.

Kaya naman, isang kagalakan na ibahagi rin sainyo ang ilan sa mga naging kaganapan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Nawa'y naging makabuluhan ang naging pagtatanghal ng mga kalahok. Sana'y sa susunod, ito ay maulit muli at sa paraang iyon, mas maipapakita pa ang mga simpleng gawi na nagpapakita ng pagtangkilik sa sariling wika, ang wikang Filipino.