News

Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

AUG 31

Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Tunay nga na ang wikang Filipino ay siyang nagbubuklod sa ating mga Pilipino at daan upang tayo'y magkaunawaan. Kaya't bilang paggunita sa pagdiriwang na ito, naghanda ang SAMAFIL club ng ilang mga aktibidad sa bawat baitang at mga guro ng CCSTAI.

Ipinigdiwang natin nitong Huwebes, ika-31 ng Agosto ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Nagsimula ang selebrasyong ito sa panalanging pinangunahan ni Sr. Riza Anajao na sinundan naman ng pambansang awit at himno ng ating paaralan na ginabayan ng ating punong-guro na si G. Elmer Bongon kasama ang Drum and Lyre Corp. na pinamumunuan ni Gerard Van Barotilla. Nagbigay rin ng pambungad na pananalita si Gng. Farita T. Givero.

Sumunod namang nagpakitang gilas ang ilang mag-aaral ng Performing Arts Group na pinamunuan ni Mariz Borlasa at Music and Glee Club na pinamumunuan naman ni G. Jeremy Brutas. Nagpaligasahan naman ang ilang mag-aaral mula sa SHS na kumanta ng mga awitin ni April Boy Regino. Nagbigay rin ng pampasiglang bilang sina G. Bernard Borromeo at Ivan Malaga, at Bb. Sherlyn Mallorca at Mariella Matutina na sinundan ng kultural na sayaw ng Performing Arts Group na pinamunuan nina Bb. Sherlyn Mallorca at G. Mark Joseph Bonto.

Bilang pagwawakas, nagbigay ng talumpati si Gng. Laarni Panganiban at mga paalala si G. Kent Brusola.

Naganap naman ang mga sumusunod na paligsahan pagkatapos ng maikling programa.

• Laro ng Lahi (Patintero, Sack Race at Amazing Race)

• Pyesta sa Nayon (Ulam na luto sa palayok)

• Paggawa ng Tula (Haiku at Tanaga)

• Paggawa ng Slogan

• Maringal na Pagtatanghal sa mga bayani ng Pilipinas

Pasalamatan natin ang SAMAFIL Club modereytor na si G. Kent Brusola at ang kanyang mga miyembro na naghanda upang maisakatuparan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang mga modereytor at miyembro ng performing arts club (Dance Club – Sherlyn Mallorca, Theater Arts Club – Mark Jospeh Bonto, at Music and Glee Club – Jeremy Brutas), Young Artist Club – Justeriene Marie Dimple Besmonte, at ang buong komunidad ng CCSTAI na pinamumunuan ni Rev. Fr. Augusto O. Abril.

Nawa'y naging makabuluhan ang naging selebrasyon natin ng Buwan ng Wika. Sana'y sa susunod, ito ay maulit muli at sa paraang iyon, mas maipapakita pa ang mga simpleng gawi na nagpapakita ng pagtangkilik sa sariling wika, ang wikang Filipino.

Kapsyon ni: Yza Martina Almanza